A Dabawenyo’s journey to fame
The Ultimate Talentandong Pinoy Grand Winner talks about success, hardships, and the perks and perils of being popular.
While you may have fallen for the charm of this exceptional guy right from when we saw him on TV, it probably took you some time to warm up to his skills in beatboxing.
With a relatively good reputation and penchant for describing himself as “negative thinker,” right when he was still starting, Neil Rey Llanes has always taken pride in pushing himself to the limits even though he has had bouts of upsetting moments of rejected chances for many times.
Fortunately, fate seems determined to take over this young dreamer’s life— being the Ultimate Talentadong Pinoy, he has gradually made a mark in and out of the country. His success continues because of his faith, confidence and determination, and the support he gets from his loved ones.
One thing that makes him different from others is his sense of pride over where he came from. In competitions, he introduces himself as “Neil from Davao City, Philippines.”
Here’s more about him.
How did you figure out that you can do beatboxing?
“When I was 12, 2nd year high school ako noon na-discover ko habang naliligo ako. May narinig kasi akong tugtog sa kapitbahay naming— Billie Jeans ni Michael Jackson. Naisip ko na what if gayahin ko ang tugtog gamit lang ang bibig ko. So ayon, ginaya ko at sa tingin ko nagaya ko naman *laughs. Tapos noong minsan pumunta ako sa bahay ng tita ko doon ko sinimulang mag-search sa Youtube ng mga kanta na pwedeng i-mix.”
Who/What pushed you to audition for various talent shows?
“Actually, sarili ko lang. Naisip ko kasi ‘yong mama at papa ko walang trabaho. Ang mama ko meron pero hindi stable ‘yong income. ‘Yong bahay din namin sa R. Castillo ngayon hindi talaga amin. Kasi noon, yung bahay na yun sa mama at sa mga kapatid niya. At noong nag-migrate sa Japan ang auntie ko, ginawang boarding house ang bahay kaya parang nangungupahan pa rin kami doon.”
Did someone accompany you in your auditions?
“No. Ako lang. Noong nag-audition ako sa Pilipinas Got Talent (PGT) last June 2014 sa Tagum, sinabi ko sa mama ko na mag-aaudition ako. Ang sagot lang niya sa akin, “Pag sure diha oy, nganong apil-apil man ka ana. Hulata na muadto na sila sa Davao,” dumating yung time yun pero I was rejected. Na-depress ako somehow kasi unang audition ko yun tapos ganun pa ang nangyari. Pero nung nag-audition ako for Talentadong Pinoy sumunod pala yung parents ko. I wa glad but nervous at the same time.”
When you are on stage, what usually comes into your mind?
“I thought this was just a dream,habang nasa backstage before ako mag-perform I always pray to HIM. I mentally picture God na nasa audience naka-upo at naka-white. Not only God but all those people who support me, especially if naka-smile na sila, Priceless. Parang tumatayo ang balahibo ko, I almost lose myself while performing.”
How did the concept of N.E.I.L: Never Exit In Life started out?
“It was on my math class, I always hate that subject so whenever I don’t want to listen I just doodle at the back part of my notebook. Then, came the idea what if I make an acronym with my name. I started with “No enemies” or something pero parang joke joke lang hanggang nasulat ko ang Never Exit In Life. Naisip ko rin na pwede ko siyang gawing motto tapos nag-research ako ng mga bible verse sa LRC about sa “Don’t give Up” then lumabas yung Deuteronomy 21:6 na “be courageous.” So ayon pina-print ko. Para sa akin pangit talaga siya, simple lang pero hanggang ngayon kung may gig kami sinusuot ko in a way na Maspread ko rin ang word ni God.”
Right now, how do you respond to people’s recognition of you?
“One time when my girlfriend and I we’re eating at a fast food chain sa mall, yung crew grabe maka-titig tapos biglang na lang siyang nagsalita, “Hawod kaayo ka sir nakit-an ka namo sa tv,” tapos nagpa-autograph siya with his cap. Nasundan pa nung nakatabi naming mag-ina na taga-Kidapawan sabi niya, “Hala ikaw man tong talentadong pinoy, lingaw baya kaayo ang bana nako sa imoha.”
Then may one time pa nung nasa jeep ako papuntang Tibungco may isang lalaki medyo matanda na grabe rin makatitig akala ko nga may atraso ako sa kanya kaya bibigwasan niya ako. Pero nung pagkatapos niyang magbayad sabi niya sa kain, “Dong, dong ikaw man tong si Never Exit In Life, congrats Hawod kayo ka ba.”
Nagpapasalamat lang talaga ako sa kanila.”

Can you talk about the perils of popularity in your own life?
“Minsan may mga bullies talaga peroI pray that time will come na those people will realize na yung binubully nila may napatunayan na pala. Gusto ko rin silang maging friends, if ever. And that came true, lalo na sa mga gigs ko sa mga barangay maraming mga tambay o “choy” na naka-habagat na cap. Yung tipong isang tingin mo lang parang uupakan ka na. Akala ko nga if mag-peperform ako kakantyawan nila ako but the tables have turned tinatawag pa nila ako na “idol” and I really appreciate that. Dumami pa nga ang circle of friends ko.”
After winning the 1 million grand prize, what do you plan to do with all that money?
“As of now, wala pa nasa bangko pa kasi ang pera. Pero, ang plano ko talaga maghanap ng lupa yung medyo mura lang. Tapos yung matitira na pera yun na yung pampapatayo namin ng bahay. Bahala nang hindi masyadong maganda basta masasabi naming amin. Pero sa panahon ngayon yung 1 million napakaliit na halaga pambili ng lupa at bahay.”
What’s it like being one of the grand finalists in Talentadong Pinoy?
“Nung nasa stage na ako, hindi ko na naiisip na competition siya kasi nga Champion na kaming lahat. Ang goal na lang is kung sino ang tatanghaling Ultimate Talentado. That time, na-starstruck ako sa mga bigatin na judges sina Charice Pempengco, Richard Gomez, Yasmin Kurdi, Pilita Corales, Jelly de Belen, Cherie Gil, at Jaya.
Ganito nga yung intro sa akin ni Mariel, “Dati siyang kinukutya ng kanyang mga kaibigan pero hindi siya tumigil sa kanyang pangarap na balang araw may patutunguhan ang kanyang talento. So di na natin patatagalin pa. Let’s all welcome N.E.I.L: Never Exit In Life. And that’s when all the hardwork pays off.”
Nung grand finals din gumastos talaga ako para sa pamasahe ng mama, papa at kuya ko papuntang Manila kasi nga gusto ko silang nandun pagnag-perform na ako. Medyo kinulang pa ako nun kaya nangutang pa ako. First time nila sa Manila kaya bonding talaga ang ginawa namin. Pero iba pa rin talaga ang feeling pag nandyan sila nanonood if ever kasi na matalo ako, ayaw ko silang makitang masaktan.
Ang concept ko nga nun ay may violin at drums. Lalapit ako sa mga instruments tapos magbe-beatbox. Meron ding mga back-up dancers na sumasabay sa 8 sounds na ginagawa ko. Sa last part may stepping dun na ako ang nag-choreograph grabe ang saya ko nun.
Thankful din ako sa mga Muslims na nasa audience kasi nga yung suporta nila sa akin nung first pa lang hanggang grand finals masyadong mainit, nagpagawa pa nga sila ng tarpaulin.”
What do you want to accomplish after Talentado?
“After nung show pinapirma agad ako ng contract bilang artist nila for 2 years. Pero sinabi ko na gusto ko munang tapusin ang studies ko kasi nga gra-graduate na ako next year, sayang naman. Thankfully, pumayag naman sila after na ng graduation ako mag-start as artist nila kasama na yung mga workshop and more. Pero as of now, pwede naman nila akong ma-contact kung may mga events tulad ng mall show ngayong March 14 ng mga artist nila sa Davao baka kasali daw ako.”
Any hidden talents aside from beatboxing?
“Nag-gigitara talaga ako pero napabayaan na nung marunong na akong mag-beatbox. Love ko ang pagkanta pero ‘di ako love nito. Pero nasasabay ko siya sa pagbebeatbox minsan. Sumasayaw din ako ng hiphop.”
What is your edge from the other beatboxers?
“Mas focus ko ang entertainment. Hindi lang kasi isang age target ang gusto kong aliwin. Gusto ko maka-relate din yung mga bata hanggang sa mga daddy age na. May iba’t ibang klase kasing beatboxing; meron yung pang-battle na hindi talaga maintindihan kasi ang originality at technical ang nagiging basehan. Ang akin pure entertainment lang talaga.”

You auditioned for Asia’s Got Talent how did it go?
“Yes, sumali nga ako ng AGT. Pero before that naka-audition na ako sa Talentadong Pinoy nakasulat dun sa waiver na bawal kami mag-audition sa ibang contest within the 3 months of waiting. Pero natapos na ang 3 mos. hindi pa ako natatawagan ng Talentado, kasi nga may conflict may iba raw kasi na beatboxer na nakuha rin. Akala ko nun di na ako maka-proceed kaya nag-audition ako sa AGT noong September 28 last year sa Mall of Asia. Nasa Davao na ako nun buti na lang may nag-sponsor sa akin galing sa City Hall para makapunta ulit ng Manila.
Habang nasa pila ako marami akong nakitang mga semi-finalists at grand finalists na product ng iba ring mga talent shows tulad ng Velasco Bros. at Il Gamma Penumbra. Medyo konti lang ang nag-audition kasi nga cable, di masyadong known. Sa Singapore at Malaysiakasi i-held yung contest. Pagkatapos ng audition at interview pinafill-up ako ng form regarding yung sabiggest dream, etc. Sabi nila pag may tawag akong ma-receive sa October meaning nakapasok. Kaya ayun nga, naka-receive ako ng tawag na sabi, “Yes your qualified”, pumunta ako ng Malaysia for the judges audition fortunately nakapasok ako for Semi-finals.
Mas grabe ang starstruck level ko rito kasi nga yung mga judges international sina Vaness Wu, Mel B, David Foster at Anggii. Nung nag-audition nga ako sumayaw pa talaga si Vaness. Sobrang saya.
Tuloy na tuloy na sana ang happiness ko pero may nangyari, after nung audition tinanong nila ako sa schedule ko, saktong natapat na man sa exam week yun nung midterms. Tapos sabi nila na they can’t compromise with my schedule kasi dapat daw nandun ako sa lahat ng dates ng taping. Sabi ko naman na ayokong mag-absent kasi maapektuhan yung studies ko. Dahil dun sinabi na lang nila na they will pull-out me sa competition kasi may next year pa man daw and they are truly sorry for my situation.
Na-depress at umiyak talaga ako, kasi diba yung opportunity kumakatok na. Pero I’ve realized siguro blessing in disguise na lang siya kasi nakasali ulit ako sa Talentadong Pinoy – at ako pa ang tinanghal na Grand winner.”
Why value education?
“Hindi mo naman talaga kasi ma-rereplace yung knowledge at learnings mo kasi ikaw yun walang ibang nagpakahirap. At least may pinanghahawakan ka kasi nga if I did continue with AGT useless parin kasi uuwi lang ako dito para sa exam pano naman yung mga following days, sayang talaga yung mga itinuturo ng mga teachers. Kahit hindi naman talaga ako ganun katalino sa klase I always listen naman para hindi lang talaga bumagsak.
Ang premyo ng AGT $ 100,000 thousand dollars, Php 4.5 million kung ipa-convert sa Peso. Pero naisip ko yung diploma, mas pipiliin ko pa rin yun kasi happiness ng parents ko yung at stake at yun pag nawala back to square one naman ako. Yung pagsali sa mga contest naman pwede pa balikan.”
The Dirt on Neil: What’s our talented guy really like? Here’s him talking to himself.
What would you say to the Neil now?
“Neil salamat, kasi kahit anong pagsubok na dumating you still continue to reach your dreams. I know that you’re a very strong person because you have your dream with you and God is up there guiding you wherever you go. I hope you will stay the same. I love you Neil.”
Describe the values, beliefs, principles etc. that Neil possessed?
“Si Neil ay pinalaki ng magulang niya na may respeto, malaki ang takot sa Diyos at napaka-strong ng faith. Hindi siya agad-agad gumi-give up although marami na siyang pinoproblema. Siya din yung tao na weird, pero may matured side pa rin. Kung naririnig niya ‘to sasabihin ko talagang Idol ko talaga siya.”